Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 71



Kabanata 71

Dahil sa lakas ng pwersa, sumubsob ang katawan ni Madeline. Sumakit nang matining ang kanyang

tiyan. Namaluktot si Madeline para mabawasan ang sakit, pero bago niya ito magawa ay hinila na siya

ni Jeremy.

Ang kanyang makisig na mukha ay hindi naaapektuhan ng kanyang galit at lalo pa itong tumindi sa

kanyang harapan.

Tinitigan nang masama ni Jeremy si Madeline. "So inaamin mo na drinoga mo ako para makaakyat sa

kama ko noon?"

Tinitigan ni Madeline ang mukha na kanyang minahal sa loob ng napakaraming taon at ngumisi.

Kung sa tingin mo ginawa ko 'yon, eh di sige, Mr. Whitman." Hindi na niya gustong magbigay ng mga

hindi kailangang paliwanag.

Subalit, huminto si Jeremy at tinignan ang nakangising mukha sa kanyang harapan. Isang ngisi na

kahalintulad nito ang lumitaw sa kanyang isipan at lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ni Madeline.

Pagkatapos ng ilang saglit ay napuno ng pandidiri ang kanyang mga mata.

"Napaka-cheap mo." Sinambit niya ang mga nakakainsultong salitang iyon mula sa kanyang mga labi

sabay tinulak si Madeline papalayo.

Nakaramdam ng sakit si Madeline sa kanyang sikmura at kumunot ang kanyang noo habang tinitiis ito.

Pagkatapos ay ngumiti siya kay Jeremy.

"Oo, cheap ako. Pero kahit na gaano pa ako ka-cheap, mas malinis pa rin ako nang isang libo at isang

milyong beses kaysa sa pinakamamahal mo."

"Manahimik ka!" Sigaw ni Jeremy para pigilan siya sa pagsasalita. "Iniinsulto mo na naman ba si Mer?"

"Heh." Tumawa si Madeline habang tinitiis ang sakit. "Kailangan ko pa bang insultohin ang isang

menor de edad na nagpalaglag pagkatapos niyang mabuntis?"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, sinakal ni Jeremy si Madeline.

Sa isang iglap, nawalan ng kalayaan na makahinga si Madeline.

"Ulitin mo ang sinabi mo, Madeline. Nagtitiwala ka ba na sasakalin kita ngayon hanggang mamatay

ka?" Nagngitngit ang mga ngipin ni Jeremy. Ang kanyang mga seryosong mata ay nakatingin kay

Madeline na para bang lalamunin siya nito.

Namumula ang mukha ni Madeline pero hindi siya nagmakaawa. "Sasabihin ko pa rin ang gusto kong

sabihin. Si Meredith Crawford ay isang numero unong manloloko na nagpapanggap na inosente at

kaaya-aya!"

Kahit na nahihirapan siyang makahinga, ang bawat salita ni Madeline ay malakas at mapwersa. Ang

kanyang mga mata ay nakatitig sa malamig at nakakapangilabot na mga mata ni Jeremy na para bang

mga sulo. "Jeremy, isinusumpa ko na iisa lang ang naging lalaki sa buong buhay ko at ikaw iyon. Pero,

si Meredith ay nagkaroon na ng napakaraming mga boyfriend at hindi ito mabibilang sa daliri.

"Hindi mo anak ang bata na kanyang pinagbuntis tatlong taon na ang nakakalipas pero pinilit mo pa rin

siyang paniwalaan. Sinakripisyo mo pa ang anak natin dahil sa palabas niya."

Nang sinabi niya ito, pakiramdam ni Madeline ay mayroong kutsilyo na humihiwa sa kanyang puso.

Umiyak siya habang tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata.

Mukhang natulala si Jeremy. Bigla niyang binitawan si Madeline.

"Ahem, ahem…" nasamid si Madeline sa kanyang paghinga. Nakita niya ang madilim at malamig na

titig ni Jeremy mula sa gilid ng kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at nagsabing, "Jeremy,

pwede mong imbestigahan ang mga sinabi ko ngayon lang."

"Hmph." Suminghal si Jeremy. "Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko ang mga salita ng isang babaeng

nakulong na noon?"

Ngumiti si Madeline na may halong pang-aasar. "Kung nagsisinungaling ako, magiging brutal ang

aking pagkamatay."

"Eh di mamatay ka na lang." Walang habag na sambit ni Jeremy.

Pakiramdam ni Madeline ay nagyelo ang kanyang puso at biglang napakalamig.

Binuksan ni Jeremy ang pinto ng kotse. "Layas."

Iniwan niya ulit sa Madeline sa gilid ng daan. Higit pa roon ay umuulan pa.

Hindi man lang niya tinignan si Madeline. Pagkatapos, inikot niya ang manibela bago nagmaneho nang

mabilis. All content is © N0velDrama.Org.

Inalala niya ang mga sinabi ni Jeremy sa kanya bago siya makalabas sa kotse. Pagkatapos, umupo si

Madeline sa gilid ng daan sa sobrang sakit at pagod. Parang nyebe sa putla ang kanyang mukha.

Walang habas na bumagsak ang malalaking patak ng ulan sa kanyang nanghihinang katawan.

Nilalamig ang kanyang katawan maski na ang kanyang puso.

Nang mawawalan na siya ng malay, nakakita si Madeline ng isang kulay pilak na kotse na huminto sa

kanyang harapan. Kasunod nito, isang lalaki ang lumapit sa kanya na may dalang itim na payong.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.