As Long As My Heart Beats

Chapter 3



Chapter 3

“QUITE A RECORD, Miss Alvarez. Imagine, two violations all in your two days here.”

Napalunok si Katerina. Nagyeyelo ang mga mata ni Brett habang nakatitig sa kanya. She felt a sudden

chill running down her spine by the intensity of his voice.

“Oh, bakit para kang namumutla dyan? Hindi ka ba proud sa sarili mo? Kasi ako, proud sa ’yo. Ikaw pa

lang ang nakakagawa no’n dito.”

Nagpapakatatag na tumayo siya. Sa dami ng taong nakilala niya na ay hindi niya maunawaan kung

bakit tanging kay Brett lang siya nakaramdam ng matinding kaba. “Pero ang alam ko lang namang

violation ko ay-“

“And now you are questioning me?” Kumunot ang noo ng Boss niya. “That’s your third violation. Una ay

ang pagsuway mo sa utos ko kagabi. Pangalawa ay ang kawalan mo ng paggalang sa ‘kin.”

Napayuko siya. “I’m sorry.”

Marahas na napabuga si Brett ng hangin. “Tigilan mo na ito, Katerina. Akala mo ba hindi ko alam kung

anong ginagawa mo? Hell, you want me to return to that nineteen-year-old foolish boy!” Nagtaas na ito

ng boss. “I hate that boy! I regretted being that boy and I will never come back. So stop trying to

change me!”

Namasa ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay may tumusok na maliliit na karayom sa kanyang

puso. “Hindi naman kita pinipilit baguhin, Brett. Gusto lang naman kitang tulungan. I just wanted to

return the favor. Pero kung gusto mo talagang magpaka-Shrek habang buhay, sige lang.” Gumaralgal

ang kanyang boses. “Pero ‘wag mo naman sanang pagsisihang naging ikaw ang teenager na lalaking

nakilala ko thirteen years ago. Dahil kapag ginawa mo ‘yon… para mo na ring pinagsisihang nakilala at

tinulungan mo ako.”

Mapait na napangiti siya nang hindi ito makapagsalita. “So, totoo nga… pinagsisisihan mong

tinulungan mo ako?”

Nang manatili pa ring walang imik si Brett ay mabilis na nag-excuse na siya rito. Nagmamadali na

siyang lumabas ng kusina.

“Kate, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Margie nang madaanan niya sa counter. “You look-“

“I’m fine.” Sinikap niyang ngumiti sa kabila ng pagsisikip ng kanyang dibdib. “I just had this minor

encounter with the monster on the loose.”

ILANG SEGUNDONG natulos sa kinatatayuan si Brett bago sa wakas ay kumilos ang kanyang mga

paa. Bago niya pa mamalayan ay nasa parking lot na siya pasunod kay Katerina. Nadatnan niya ang

dalagang nakasakay sa kotse nito habang nakayukyok ang ulo sa manibela. Bukas ang bintana ng

sasakyan kaya hindi na mahirap para sa kanyang hulaang umiiyak ito base na rin sa pag-alog ng mga

balikat nito.

Naikuyom ni Brett ang mga kamay. Akmang papasok na lang siya uli sa restaurant nang tuksong

nanumbalik sa isip niya ang nasaksihang anyo ng dalaga sa kusina. Pain was visible all over her deep

blue eyes. He breathed heavily. Damn it, Katerina. What on earth are you doing to me?

Bago niya pa mamalayan ay nakalapit na siya sa dalaga at malakas na tinapik ang pinto ng kotse nito.

“Get out of the car, Katerina. Let’s talk.” Nang hindi ito kumilos ay mas malakas na tinapik niya ang

pinto. “Now.”

Para namang nabigla ito nang humarap sa kanya. He almost cursed upon seeing the tears rolling down

her cheeks. He should not be affected. And he was not supposed to be affected but hell, he was. Then

and now, Katerina still has that same impact on him.

Mabilis na ipinaling nito ang mukha nito sa ibang direksiyon. Nakita niya pa ang maagap na pagpunas

nito ng mga luha bago dahan-dahang lumabas.

“Hindi pa naman tapos ang break ko, sir.” Namamaos na sinabi nito. “Kaya siguro naman, wala akong

panibagong violation na nagawa dahil lang lumabas na muna ako ngayon.”

“Mero’n. Tinawag mo akong Brett na lang kanina at umalis ka na kaagad nang hindi pa ako

pumapayag.”

Namula ang mga pisngi ni Katerina. Sa kabila nang bahagya ring pamumula ng mga mata at ilong nito

ay hindi pa rin matatawaran ang ganda nito. And he swore he had never seen such beauty.

“You are really an ogre, do you know that?” Naniningkit ang mga matang sinabi nito. “And I don’t get it.

Kung ang passion mo talaga ay manakot ng tao, bakit hindi ka na lang sa horror house nagtrabaho?

Ayaw nyo no’n sir, gusto nyo na ng ginagawa nyo, kikita pa kayo nang husto?”

“That’s violation number five.”

“Ano naman ‘yong violation na ‘yon kumpara sa ginawa mo? Nakakasakit ka na, ah.” napu-frustrate na

napaluha itong muli. “Pagkatapos mong ipamukha sa ’kin na pinagsisisihan mong tinulungan mo ako

noon? Na iniligtas mo ang buhay ko? For so many years, your words kept ringing in my ears. They

gave me hope. They prevented me from giving up. Because I was waiting to experience that beautiful

world you were talking about. Kasi naniwala ako sa ’yo.” Dagdag nito bago siya tinalikuran.

For the past years, Brett never cared for other people again. And it was easier. Ilang beses na ba

siyang nakakita ng babaeng umiiyak? Mula sa incompetent na mga empleyadong sinibak niya sa

trabaho hanggang sa mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay? Hindi niya na mabilang. Ilang beses

niya na rin bang nahuli ang mga tauhan niyang binibinyagan siya gamit ang iba’t ibang pangalan? Pero

wala siyang pakialam.

But this woman was different in ways he never wanted to acknowledge anymore.

Maagap na pinigilan niya si Katerina sa braso. Noong una ay nagpumiglas pa ang dalaga pero mabilis

na niyakap niya ito. Marahang tinapik niya ang likod nito para patahanin ito. Narinig niya pa ang

malakas na pagsinghap nito bago niya narinig ang muling pag-iyak saka nito isinubsob ang mukha sa

kanyang dibdib.

Despite everything, Brett smiled. Hanggang ngayon ay iyakin pa rin pala si Katerina. “I’m sorry.” He

softly said. “I may have regretted almost everything in my life, Katerina. But I never regretted being on

that bridge with you that night. I never regretted saving you. My only regret was giving you false

hopes.”

“I CAN STILL feel her in my heart, Drei. My daughter is still alive. Maniwala ka sa akin.” Determinadong

sinabi ni Martin sa inaanak niyang si Andrei. Isang taon pa lang ang bunso at nawawala niyang anak

na si Eirene ay ipinagkasundo niya na iyon sa kanyang inaanak. Kung hindi nga lang marahil sa mga

nangyari noon, disin sana ay kasal na ang dalawa ngayon.

Muling kumirot ang dibdib ni Martin sa naisip. Naglakad siya patungo sa bintana at inililis ang kurtina.

Bumungad sa kanya ang ekta-ektaryang lupain na hindi na maabot ng kanyang mga mata ang

hangganan. He smiled bitterly. He may have every thing but he still remained the poorest man on Earth

without the ones he loved who will never come back. Ang bumubuhay na lang sa kanya ngayon ay ang

paniniwalang buhay pa ang kanyang si Eirene.

Pigilan niya man ay tumulo pa rin ang kanyang mga luha nang maalala kung paano sila nagkahiwalay

mag-ama…

Second birthday ni Eirene nang dalhin niya ang bata sa mall para ipasyal habang abala naman ang

kanyang Misis at dalawa pang anak na lalaki sa paghahanda ng isang munting salo-salo. Noong

panahong iyon ay kapapanalo niya pa lang bilang mayor ng kanilang bayan kaya gusto ng mga itong

pagsabayin na ang private celebration sa pagitan lang nilang mag-anak.

Nagulantang si Martin pagkarating nila ng anak sa kanilang bahay. Wala ang mga gwardya na

kadalasan ay ipinagbubukas siya ng gate. Pagpasok niya ay basag ang lahat ng mga gamit.

Sumalubong sa kanya ang dalawa nilang kasambahay na duguang nakahandusay sa sala.

Kumakabog ang dibdib na umakyat siya sa ikalawang palapag. Naabutan niyang nakabulagta ang

personal guard niyang si Ram sa hagdan. Pero tulad ng mga kasambahay ay wala na rin itong buhay.

Hawak pa rin nito ang baril nito. Ito ang nagpumilit sa kanyang sumamang ipasyal si Eirene pero

ipinagpilitan niyang gusto niyang masolo ang bunsong anak nang walang kahit na sinong bantay para

makakilos sila nito nang malaya bago man lang sana siya pormal na umupo sa kanyang puwesto.

Naikuyom ni Martin ang mga kamay. Hanggang sa huling sandali ay naging matapat si Ram sa

kanyang pamilya. Dalawa pang mga gwardya ang nakita niyang nakahandusay malapit sa master’s

bedroom. Kinakabahang pumasok siya roon. Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang makita

ang kanyang pamilya, magkakasama ang mga ito sa malaking kama, lahat ay pawang mga nakapikit

at duguan dulot ng tama ng mga bala.

Maagap na pinulsuhan niya sina Lorenzo at Kyle, ang una ay sampung taong gulang habang walo

naman ang huli. Nag-umpisa nang mag-init ang kanyang mga mata nang malamang patay na rin ang

mga ito. Nanggigipuspos na napapikit siya nang mariin. Malinaw na pinasok ang mga ito habang wala

siya.

Sumunod na sinilip niya si Althea, ang kanyang asawa. May pulso pa ito pero mahina na. Nilapitan

niya ito at marahang niyugyog. Para siyang nakatanaw ng munting pag-asa nang dahan-dahan itong

dumilat.

“Thank God!” basag ang boses na sinabi ni Martin pagkatapos ay isinampay ang braso ng asawa sa

kanyang balikat habang pasan naman sa kabila si Eirene. “Come on, Thea. Get up. Dadalhin kita sa

ospital.”

Napailing ito. “L-leave now, Martin. I-itago mo ang… ang b-bunso natin.” Hirap man ay pilit pa rin nitong

pagsasalita. “H-hindi ko na k-kaya.” Bumitaw ito sa kanya pagkatapos ay sinikap na abutin ang pisngi

nang himalang natutulog pa ring si Eirene na nasa kanyang bisig. Napagod marahil ang bata sa

paglalaro nang dalhin niya ito sa playground.

“I… I l-love you b-both.” Tumulo ang mga luha nito. “Umalis na k-kayo. Siguradong babalik pa sila h-

hangga’t alam nilang… b-buhay pa k-kayo.”

PINIGILAN ni Martin ang mapahagulgol nang tuluyan nang bumitaw si Althea sa pagkapit sa kanilang

anak. Nang pumikit ito, kahit masakit sa kanyang loob ay tumayo na siya at nilisan ang kanilang naging

masayang tahanan sa loob ng ilang taon.

He still had his Eirene. And he had to live for her.

Muli siyang nag-drive palabas. Pero mayamaya lang ay may napansin siyang pulang van na

bumubuntot sa kanila hanggang sa magsimula na itong magpaputok. Nang umingit ang kanyang anak

ay lumuluhang tinapik-tapik niya ito sa braso pagkatapos ay binuksan ang radyo ng sasakyan at

mahinang pinatugtog iyon.

“Oh, God. Help us, please.” Nang dinadaga na ang kanyang dibdib ay inabot niya ang rosary na

inilagay mismo ni Althea sa dashboard ng kanyang sasakyan at mahigpit na hinawakan iyon saka pilit

na pinag-aralan ang dinaraanan.

Kasalukuyan nang nagsasara ng mga pinto at bintana ang mga nadaraanan niyang bahay. Hindi siya

makahinto para humingi ng tulong sa takot na madamay pa ang mga kababayan na pinangakuan niya

pa namang tutulungan sa abot ng kanyang makakaya at poprotektahan bilang bagong mayor ng mga

ito.

Mayamaya ay mapait na ngumiti si Martin nang may maalala. Mabuti na lang at taal na tagaroon siya

dahil doon na siya ipinanganak. Iniliko niya ang kanyang kotse. Sa sumunod na sandali ay

nakipaghabulan siya sa van hanggang sa wakas ay nagawa niyang mailigaw ang mga ito pero alam

niyang pansamantala lang iyon. Hindi pa sila ligtas ng anak niya.

Ilang oras siyang nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa tapat ng kanlungan

ng mga madre. Nag-aalangan man ay iniwan niya roon ang natutulog pa ring anak dahil marami pa

siyang kailangang asikasuhin nang mag-isa sa kanilang bayan sa Infanta, Quezon. Ang plano niya ay This material belongs to NôvelDrama.Org.

hingan ng tulong ang kaibigan niyang pulis na si Arthur, ang ama ni Andrei na sa katabing bayan nila

ang bahay. Pero sa tindi ng pinaghalo-halong takot, pagkalito at sakit dulot ng mga pangyayari sa loob

lang ng ilang oras ay ngayon niya lang ito naisip na takbuhan.

He needed to keep Eirene away. He needed to keep her safe. Pareho nang nasa ibang bansa ang mga

magulang nila ni Althea kaya wala na siyang mapupuntahan pang iba. Kung isasama niya naman ito

sa kaibigan ay hindi niya garantisado ang kaligtasan nito. Bukod sa huli ay wala na siyang

pinagkakatiwalaang iba.

“Babalikan ka rito ni Daddy, princess. I promise you that.” Mahinang sinabi niya. Kinuha niya mula sa

bulsa ng suot na slacks ang isang kwintas na ipinagawa niya para sa birthday nito. May naka-engraved

roon na EM, tanda ng pangalan nitong Eirene Morrison. “Hintayin mo ako. Darating ako, pangako.”

Hinagkan niya ito sa noo. “I love you so much. I will come back for you, baby.”

But he never managed to fulfill his promise. Sa pagbalik niya sa kanilang bayan ay bala ng baril ang

kaagad na sumalubong sa kanyang sasakyan. Nabaril siya sa kanyang balikat at humampas ang

kanyang ulo sa manibela ng kotse nang malakas siyang bungguin ng isa pang sasakyan.

Sa muling pagdilat ni Martin ay mukha ni Arthur ang bumungad sa kanya. Nalaman niyang nagawa pa

pala itong tawagan ni Althea habang nagdedeliryo. Ito ang nagligtas sa kanya sa tulong na rin ng mga

kasamahan nito. Nahuli ang mga nagtangka sa kanyang buhay gayundin ang mga pumaslang sa

kanyang mag-iina at at ang tao sa likod ng lahat ng iyon, ang natalong kalaban niya sa pulitika.

Pero halos masiraan siya ng ulo nang makitang binatilyo na si Andrei. He found out that he was in

comatose for fifteen years. Ayon sa kaibigan ay kamuntik na ito at ang mga kamag-anak niyang

mawalan ng pag-asang magigising pa siya. Pero binuhay pa siya ng Diyos.

Binalikan niya kaagad ang natatandaang lugar kung saan niya iniwan ang kanyang bunsong anak.

Pero napag-alaman niyang nasunog na pala ang kanlungan ng mga madre. Ngayon ay isang malaking

establishment na ang nakatayo roon. Nag-hire siya ng ilang mga imbestigador para matulungan siya

sa paghahanap pero sa tagal ng panahon na lumipas ay para silang naghahanap ng karayom sa

bunton ng mga dayami.

“Naniniwala naman po ako sa inyo, Ninong.”

Natigil siya sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang baritonong boses na iyon ni Andrei.

“’Wag kayong mag-alala, hindi ko po susukuan ang paghahanap. I will find Eirene and I will bring her

back to you.”

Sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang magising si Martin mula sa comatose ay sumilay ang

sinserong ngiti sa kanyang mga labi. Mula nang mamatay sa sakit sa puso dalawang taon na ang

nakararaan ang ama ni Andrei ay naging malapit sila lalo nito sa isa’t isa. Andrei was a very good man.

And if ever they find Eirene, he was sure that the two would fit for each other perfectly. “Thank you,

son. I know I can count on you.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.