Chapter 13
Chapter 13
“KUNG gusto mo palang umalis, sana sinabi mo sa akin. Ihahatid kita hindi lang sa airport kundi sa
Nevada pa mismo. I will try to keep you safe. Hindi tulad nang ganito. Clarice naman.” Naihilamos ni
Alano ang palad sa mukha habang pinagmamasdan ang natutulog pa ring anyo ni Clarice.
May bandage sa ulo ang dalaga dahil sa pagtama ng ulo nito sa dashboard. May ilan din itong galos sa
katawan sanhi ng mga tumalsik na bubog sa nabasag na salamin ng kotseng sinakyan nito. Katulad ng
sinapit ni Clarice ang kasama nitong babae na napag-alaman ni Alano na Radha ang pangalan. Ang
pagkakaiba lang ay sa manibela humampas ang ulo niyon. Muling bumigat ang dibdib niya sa naisip.
Halos mabaliw si Alano sa pag-aalala nang tawagan siya ng pulis at ini-report ang nangyaring
aksidente kay Clarice. Siya lang daw ang nasa speed dial ng dalaga kaya siya ang tinawagan nito. Sa
Pampanga nangyari ang aksidente kaya ilang oras pa ang inabot bago siya nakarating sa ospital kung
saan isinugod ang dalaga. Ayon sa nauna nang nagkamalay na si Radha nang tanungin niya ay hindi
na umano nito nagawang iwasan ang humahagibis na kotse sa pagliko nito sa kalsada. Nagkataon
pang lasing ang driver ng nakabanggang kotse.
Nagtagis ang mga bagang ni Alano. He swore he would do every thing in his power to make sure that
the man would no longer be able to drive any car again.
Kung hindi lang napigilan si Alano ng kapatid niyang si Austin na sumama sa kanya mula pa sa Manila,
siguradong nasuntok niya na ang driver bago pa ito ipasok sa kulungan. Mabuti na lang at walang
malalang pinsalang tinamo si Clarice ayon na rin sa sumuring doktor kung hindi ay baka hindi niya na
alam ang gagawin nang mga sandaling iyon.
“Sabi ko naman sa `yo, wala kang gagawin na hindi ko maiintindihan. If you want to leave me, then
leave. But you should have at least, informed me. I wouldn’t have stopped you from leaving. I know I
have no right to do that.” Inabot ni Alano ang kamay ni Clarice at masuyong hinalikan iyon.
Pumatak ang luha niya. Naiintindihan niya ang gagawing pag-alis ng dalaga apat na araw bago ang
kanilang kasal. It was still about her revenge, after all.
Noong una, habang inaasikaso niya ang kasal nila ni Clarice, kahit paano ay umasa pa siya na
posibleng sa dulo ng lahat ng iyon ay may kahahantungan din sila ng dalaga. Personal niyang inayos
ang lahat. Binalewala niya ang mga tanong ng ilan kung bakit wala ang kanyang fiancée o kung
nasaan ito. There were rumors circulating that only Alano was happy about the wedding, that he was
just forcing the supermodel to get her to marry him out of his obsession with her. His mother was
worried because it was ruining his name but he didn’t mind at all. Those people don’t know the truth,
they would never understand.
He just wanted their wedding to be perfect. He took a leave from the office and helped the wedding
coordinator with all the preparations.
Pero naglaho ang katiting na pag-asa sa puso ni Alano sa araw na iyon nang alamin niya kay Radha
kung saan papunta ang dalawa kung hindi nangyari ang aksidente. Ihahatid pala dapat ng huli ang
dalaga sa airport pabalik sa Nevada.
Nabigo siyang patunayan na posibleng isalba ng pagmamahalan nila ni Clarice ang sakit na dulot ng
mga nangyari sa nakaraan.
Naramdaman ni Alano na minahal din siya ni Clarice. Pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para
manatili sa tabi niya ang dalaga. Sabagay ay masisisi niya ba ito sa laki ng kasalanan ng ama niya
rito?
“Magpagaling ka. Ako mismo ang maghahatid sa `yo pabalik, pangako.” Damn, just saying those words
is already enough to break him inside. Muling pumatak ang luha ni Alano. Nasisiguro niyang kung
makikita lang siya ng mga kapatid ay pagtatawanan siya ng mga ito. He had strings of women in the
past. He was even regarded a player.
Pero heto siya ngayon. Nang tamaan siya kay Clarice ay saka lang nauso ang pagluha sa kanya.
“Makukuntento na akong pagmasdan ka mula sa malayo. And if after a few years, a divine intervention
happened and you magically forgot everything, I promise I would still be here. Baka sakaling sa
panahon na ‘yon, pwede na tayong dalawa. Sapat na sa aking naramdaman ko kahit paano na minahal
mo ako. Because during those times that you were with me, I knew it was not just a show, Clarice. I
knew you were being real to me. I knew you were being... You.”
Kinuha ni Alano ang rosary sa bulsa ng kanyang pantalon na bigay ng kanilang ina noong bata pa sila
ng mga kapatid. Inilagay niya iyon sa kamay ni Clarice. “I love you so much. Please be well.”
Tumayo na siya at umalis ng hospital room ng dalaga. Mahirap na at baka lalo pa itong magkasakit sa
oras na siya ang unang makita nito sa paggising.
They said that prayers are powerful. Maybe if I pray hard enough, makukulitan ang langit at maiisipang
pagbigyan ako. Who knows? Maybe you and I can become together, one day? Until then... I will
continue to pray hard every day.
“BAKIT bumangon ka na agad?” Nag-aalalang nilapitan si Clarice ni Alano nang maabutan siya nitong
itinutupi na ang hospital gown niya. Nakapag-ayos na rin siya at nakasuot na ng damit panlakad. She
was all set and ready to go.
“Bakit ka ba nagmamadali? Gano’n ka ba talaga ka-excited na umalis?”
“Oo.”
Nabitin sa ere ang mga kamay ni Alano nang tangkang hahawakan nito si Clarice. Naupo siya sa kama
at pinagmasdan ang binata. He looked so tired as if he was not able to sleep for the past couple of
hours. He still looks as dashing as the first time they met. But gone was the sparkle in his beautiful blue
eyes. And it was because of her. “I’m sorry,” mahinang sinabi niya.
Mabilis na nag-iwas ng mga mata si Alano pero bago iyon ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan
ng kirot sa mga mata nito. Tumango-tango ang binata. “It’s nothing. I understand. Sinabi ko naman na
sa ‘yo dati, there is no need to feel sorry for me. Pero hayaan mo sana akong ihatid ka man lang
hanggang sa kung saan mo balak na pumunta. I… I just need an assurance that you will be safe this
time because I will really go crazy if something happens to you again and—”
“I love you, Alano.”
“I almost lost my mind while waiting for you to wake up and—” Nahinto sa pagsasalita si Alano at
mayamaya ay gulat na napalingon kay Clarice. “Ano uli ang sinabi mo?”
“I love you.” Namasa ang mga mata ni Clarice.
Bago siya mawalan ng malay noong nagdaang araw dulot ng aksidente ay puro si Alano ang laman ng
isip niya. Noon lang siya nakaramdam ng matinding takot pagkalipas ng labinlimang taon. Ang akala
niya ay wala na siyang kakayahang makaramdam pa ng ganoon pero iba pala kapag nagmamahal na
ang isang tao. Even the hardest heart can melt and become afraid when it comes to love.
Natakot siya para sa sarili pero lalo na para kay Alano. Natakot siyang mamatay nang hindi man lang
nasasabi sa binata kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi man lang niya napasaya nang husto ang
binata. Mula nang minahal siya ni Alano, puro hirap at sakit na ang ipinaranas niya rito. He endured
and continued giving his all to her while receiving nothing from her. She had been so unfair. Walang
kasalanan ang binata pero idinamay niya dahil sa galit niya sa ama nito. And then Clarice remembered
having so many questions. What if she marries him? What if she attends their wedding? If she leaves
him, would it guarantee her that she would forget the pain and would eventually be happy knowing that
she hurt him?
At ngayong nasa harap niya na si Alano, nasagot niya na ang mga katanungan na iyon.
“I said I love you. I really do. And I need you in my life.” Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Clarice
nang rumehistro ang pagkasorpresa sa mukha ni Alano. Hindi na nakapagpigil na tumayo siya sa
kama at lumapit sa binata. Buong higpit na niyakap niya ito. Nagsimulang magkaroon ng tunog ang
pag-iyak niya. Sumagi sa isip niya ang disappointment na naramdaman nang si Radha ang mamulatan
niya kanina imbes na ang mukha ng binata.
Hindi niya naiwasan ang pumikit at damhin ang sandali nang gumanti si Alano ng mas mahigpit na
yakap. “Kinailangan ko pang maaksidente bago ako nakapag-isip nang maayos. I was so scared when
I thought that I would die without seeing you, without holding you like this and without even saying
good-bye to you. Ang sabi ng doktor, maswerte raw kami ni Radha dahil minor injuries lang ang
natamo namin sa nangyaring aksidente. But you know what I think? Radha and I were beyond lucky. I
want to believe that your God protected me, Alano. Ang sabi ni Papa, lahat daw ng nangyayari sa
buhay ng isang tao, may magandang paliwanag. Siguro, kaya ako binuhay ng Diyos ay para patigilin
na ako sa pagtakas.” Pumiyok ang boses niya.
Nagmulat si Clarice. Muli siyang napangiti nang makita ang liwanag na mula sa sikat ng araw na
tumatagos sa salaming bintana sa loob ng kanyang hospital room. Sa kabila ng pagkadismayang hindi
si Alano ang namulatan, malaki pa rin ang pasasalamat niya. Kahit kailan ay hindi niya natandaang
huminto siya sandali para ma-appreciate ang pagsikat ng araw noon. Pero iba ngayon. She was so
glad to witness the sunlight. She was so glad to feel its warmth on her skin. She was so glad to be alive
for the first time after so many years. Because being alive means a second chance with the man that
she was holding right now.
“Habang wala ka, isip ako nang isip. Kung tatakas ba ako ngayon, mawawala ang sakit sa nangyari
noon? Iiwasan ko lang ang sakit pero mananatili iyon dahil hindi ko hinarap. So, I figured I’d stay here
with you. I will face every thing with you now—the pain, the fears, and the memories. Nakahanda na
akong makasama ka, Alano. At least when I’m with you, I can be assured that the pain will subside.
Because you are my pain reliever. Alam ko isang araw, mawawala rin ang lahat ng sakit. We will work
on it together... Right?”
Masuyong ngumiti si Clarice nang maramdaman ang paggalaw ng mga balikat ni Alano, tanda ng pag-
iyak nito. Who would have thought that a man like him would shed tears for a woman like her? Ah, this
is the sweetest revenge. One McClennan cried and fell in love with her. But there was a consequence;
she fell for her target, too. And somehow, that was not so bad.
“I thought I would lose you forever. Maisip ko pa lang na ako mismo ang maghahatid sa `yo palayo,
parang sinasakal na ako. And when I found out about your plan to leave yesterday, I died... A thousand
deaths, Clarice.” Bahagyang lumayo si Alano sa kanya at pinakatitigan siya. Idinikit nito ang noo sa
kanya. “I was ready to wait for you. Ayos na ang plano. Susundan kita sa Nevada. Araw-araw, magpa-
practice akong magluto para kung sakaling dumating ang panahon na maglaho na ang lahat ng sakit
na nararamdaman mo at maisipan mong balikan ako, may maipagmamalaki na ako sa `yo.” Marahang
natawa ito. “But God is really good because here you are now. I thought I would never hear you say
you love me again. Mahal na mahal kita, Clarice. More than you can ever imagine.”
Sandaling idinistansiya ni Clarice ang mukha kay Alano. Pinahid niya ang mga luha ng binata katulad
ng ginawa nito sa kanya.
“Ibig sabihin ba nito, tuloy ang kasal natin?”
Tumango si Clarice. “You haven’t cancelled it yet... Have you?”
“I was just about to do that today. But a miracle happened. Mabuti na lang pala at dito na muna ako
tumuloy.”
“Thank you very much, Alano, for everything.” Mayamaya ay may naalala si Clarice. “It might take a
long while before I can forgive your father, though.”
“Naiintindihan ko. I will be with you every single step of the way.”
Muling ngumiti si Clarice. Sandali namang natigilan si Alano. Mayamaya ay hinawakan nito ang mga
pisngi niya. “Do you know that every time you smile, I fall for you? And every time you touch me or kiss
me, I fall... even harder,” bulong pa nito bago siya hinalikan sa mga labi.
Kuntentong ipinikit ni Clarice ang mga mata. Hindi niya na muna aaminin kina Maggy at Yalena ang
tungkol sa natuklasan kay Benedict. She doesn’t want her friends to lose their purpose the way she did
before. Saka niya na rin aaminin kay Alano ang tungkol sa mga kaibigan. Dahil ayaw niyang
pagtaksilan ang kambal. Nakasisiguro naman si Clarice na mauunawaan siya ni Alano. And besides,
who was she to meddle with her best friends’ destiny? Baka tulad niya, sa gagawin ng mga ito lang
tuluyang makahanap ng kapayapaan ang mga kaibigan.
Magdadahilan na lang siyang parte pa rin ng misyon ang gagawing pagpapakasal.
Natigilan si Clarice sa pag-iisip nang lalo pang laliman ni Alano ang paghalik sa kanya. She closed her
eyes and stopped herself from thinking of anything else.
Saka na siya mag-iisip.
EPILOGUE
“YOU, TWO, look pathetic, happily pathetic. And it’s making me crazy. It’s annoying, too.”
Natawa na lang si Clarice sa para bang naaasar na sinabing iyon ni Austin na sumunod pala sa kanila
ng kanyang asawa sa kusina. Pagdating nila ni Alano mula sa pagsisimba ay naabutan na nila sa
bahay ang bunsong kapatid nito na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. Hindi naman
nila ito makausap nang maayos dahil nanatiling tahimik ang lalaki kaya hinayaan na muna nila itong
tumambay sa bahay nila.
Si Clarice ang nag-volunteer magluto para sa tanghalian nila nang araw na iyon pero sumunod sa
kanya si Alano sa kusina at ipinahihinto siya. Nang hindi siya pumayag ay ipinagpilitan pa rin nitong
tulungan siya.
Napangiti na lang siya. Ever since they got married five months ago, Alano stick with his promise.
Walang araw na hindi siya pinagsisilbihan ng asawa. Ito pa rin ang nagluluto para sa kanila. He
became really domesticated. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing darating ito sa puntong ganoon.
And every night, when they are alone in their room, he would still dance and sing for her. Every night,
he would have different performances to show her. And even those were improving. Pilyang napangiti
si Clarice sa naisip. Hindi niya alam na posible pala ang ganitong klase ng pakiramdam. Every day, she
keeps falling in love with her husband all the more.
Bigla ay naglaro sa isip ni Clarice ang paboritong bible verse ni Alano na sa katagalan ay nakabisa na
rin niya. That was Psalm chapter thirty-seven verse five. It says that God has a reason for allowing
things to happen. We may never understand His wisdom but we simply have to trust His will.
Totoong minsan ay mahirap unawain kung bakit nangyari ang mga nangyari. Minsan, mahirap unawain
ang mga dahilan Niya. Pero nitong nakalipas na mga buwan ay napakaraming na-realize ni Clarice.
Una na roon ay nagkamali siya ng inakala. Hindi pala siya kailanman hinayaang mag-isa ng Diyos.
Mayroon pa rin Itong iniwan para sa kanya. Dahil ipinagkaloob Nito sa kanya si Tito Harry at ang
kambal na sina Maggy at Yalena. At ngayon ay ipinagkaloob Nito sa kanya si Alano. At sa tulong ng
asawa, alam niyang isang araw ay tuluyan na siyang makakabangon. She was positive that one day,
she and her best friends would find healing.
Napahinto si Clarice sa pag-iisip nang mapansing tumigil si Alano sa paghihiwa ng mga gulay. Sa
kabila ng presensiya ng kapatid ay niyakap pa rin siya ng asawa mula sa kanyang likuran at hinalikan
sa batok. “What are you smiling at?”Text © by N0ve/lDrama.Org.
“You and your silly night performances,” amused na sagot ni Clarice.
Idinikit ni Alano ang katawan sa kanya. “Really, huh? By all means, tawanan mo na ako ngayon.”
Marahang kinagat siya nito sa kanyang leeg. “Because with the kind of performance I am planning to
do tonight, you wouldn’t even think of smiling, baby.”
“Ano na lang pala ang iisipin ko, kung gano’n?”
“How about a night of pure passion?” Nag-init ang pakiramdam ni Clarice sa bulong na iyon ni Alano. “I
was planning to try dancing without any costumes tonight, baby. Para tipid, I’ll dance... naked. And as a
punishment for laughing at me, I won’t let you sleep tonight, baby.”
“Hmm…” Malakas na napatikhim si Clarice. Itinulak niya ang asawa at bahagyang lumayo rito bago pa
siya kung saan na naman dalhin ng nagsisimula na namang maglikot na imahinasyon niya. Siniguro
niyang may sapat na distansiya sa pagitan nila habang tumutulong sa paghanda ng iba pang
ingredients sa lulutuin nila. Narinig niya pa ang mapanuksong pagtawa ni Alano na para bang
nahulaan ang laman ng isip niya. Napailing na lang siya. Alano will always be a royal tease.
Nanunuyo ang lalamunan na lumapit si Clarice sa refrigerator at kumuha ng maiinom. Bigla siyang
nakaramdam ng matinding uhaw.
“Austin, bro, bakit ka nga pala naparito? Kung `di mo napapansin, nakakaistorbo ka na,” nagbibirong
sinabi ni Alano bago nagpatuloy sa paghihiwa. “May problema ba?”
“I met a girl and fell in love with her,” sa wakas ay sagot ni Austin. Tahimik lang na nakikinig si Clarice.
Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa hawak na pitsel at uminom. “One silly night, we got
drunk. She made me sign something. Akala ko marriage contract kaya pinirmahan ko. Pero paggising
ko kinabukasan, wala na siya. Wala na rin ang pera ko sa bangko at ang shares ko sa kompanya.”
“What?!” Nabiglang nilingon ni Alano ang kapatid. “Hindi ka man lang ba nagduda? You just let her do
that?”
“It was my first time to fall in love, Kuya,” depensa naman ni Austin. “It was my first time to be with a
woman. Wala akong alam sa mga komplikadong bagay. Malay ko ba namang pagnanakawan niya
ako?” Naihilamos nito ang palad sa mukha. “But she’s really lovely, thief and all that.”
“What’s her name?”
“Maggy. Maggy de Lara.”
Naibuga ni Clarice ang iniinom na tubig.
Wakas