The Fall of Thorns 1: Alano McClennan

Chapter 3



Chapter 3

“HELLO, Dad, Tito, and Tita. It’s been so long.” Para bang puputok sa labis na sakit ang dibdib ni

Clarice habang nakatitig sa tatlong magkakatabing puntod sa kanyang harap. Ang dalawang katabi ng

kanyang ama ay ang mga magulang nina Maggy at Yalena. Sabay-sabay na binawian ng buhay ang

mga ito labinlimang taon na ang nakararaan.

Ipinangako nila noon ng mga kaibigan sa harap ng puntod ng mga ito na dadalaw lang uli roon sa oras

na nakaganti na sila kay Benedict pero sa muling pagbabalik ni Clarice sa bansa ay hindi niya

napigilan ang sariling tumapak uli roon. Nag-init ang kanyang mga mata. Sumalampak siya sa

damuhan sa tapat ng lapida ng ama. Mula noon hanggang ngayon, ito lang at ang kanyang ina ang

may kakayahan na magpaluha sa kanya.

Ilang buwan lang ang tanda kay Clarice nina Maggy at Yalena. Magtetrese anyos siya noon nang

sabay-sabay na gumuho ang mga mundo nila. Sumabog ang sasakyan na kinalululanan ng kanyang

ama at ng mga magulang ng kambal. Sakay ang mga ito ng iisang kotse lang at papunta sana sa

presinto para magsampa ng kaso laban kay Benedict McClennan.

Dating manliligaw ng kanyang inang si Carla si Benedict pero binasted ng ina ang huli dahil si Roman

na kanyang ama ang totoong minamahal nito. Nagkita uli sina Carla at Benedict sa isang event noong

kasal na ang kanyang mga magulang, noong sampung taon na siya. May kanya-kanya nang pamilya

ang dalawa kaya tinanggap ni Carla at Roman ang alok na pakikipagkaibigan ni Benedict noong

panahong iyon. Nagpakita rin ito ng interes sa kanilang kompanya, ang ADLC o Alvero De Lara Oil and

Mining Corporation na pinamamahalaan ng matalik na magkaibigan mula pa elementarya na sina

Roman at Vicente, ang ama nina Maggy at Yalena.

Ang minana nina Roman at Vicente sa mga magulang ang ginawang puhunan ng mga ito sa pagtatayo

ng ADLC. Noong mga panahong iyon, mayroon na ring negosyong sarili si Benedict, ang McClennan

Power Corporation. Nag-alok ng merger ang huli. Bilang mga negosyante ay nakitaan nina Roman at

Vicente ng potential ang Power Corporation ni Benedict. Alam ng magkaibigan na mahusay rin si

Benedict sa pamamalakad kaya sigurado ang dalawa na mas lalago pa ang negosyo ng mga ito kaya

pumayag sila sa merger. Their business later on became ADM; Alvero, De Lara, and McClennan

Corporation. Sa mga sumunod na taon ay naging mas malago pa iyon katulad ng pagkakaibigan ng

tatlong lalaki.

Pero isang araw ay nahikayat na sumali sa politika sina Roman at Vicente. Sadyang malapit sa masa

ang dalawang negosyante bukod sa nag-tandem na noon ang ama ng dalawa kaya pamilyar na ang

publiko sa mga ito. Ang ama ni Roman bilang gobernador at ama ni Vicente bilang bise gobernador.

Alam ng magkaibigan na malaki ang tsansa ng mga itong manalo sa dami ng mga tagasuporta kaya

nagpasyang tumakbo si Roman bilang alkalde habang bise alkalde naman si Vicente.

Maayos at tahimik ang lahat hanggang sa isang araw ay nagdeklara din ng kandidatura si Benedict

bilang alkalde sa mismong bayan kung saan gustong tumakbo ng kanyang ama. Doon na nagulo ang

buhay nila. This belongs to NôvelDrama.Org - ©.

Benedict may be a Filipino-American pero sa Pilipinas ito lumaki kahit pa ang mga anak ay nasa

Boston sa pangangalaga ng asawa nito. Doon napag-alaman nina Roman at Vicente na sanggol pa

lang siya ay may bahay na pala si Benedict sa bayan ng mga ito pero bihira iyong tuluyan ng huli. Iyon

ang nagbigay ng karapatan kay Benedict na tumakbo rin.

Nagsimulang magkainitan ang dalawang kampo, maging sa opisina. Binibili na ni Roman ang shares ni

Benedict sa ADM pero nagmatigas ang huli. Patindi na nang patindi ang pagbabangayan ng mga ito

hanggang sa pangangampanya. It was true that the moment the best of friends fight, they became the

best of enemies. Pero maruming maglaro si Benedict.

Nasunog isang araw ang bahay ng mga de Lara. Maswerte ang kambal dahil nagkataong pare-pareho

silang nasa eskuwela noon. Nakaligtas din ang mga magulang ng kambal. Pero may nakakita raw na

isa sa mga tauhan ni Benedict ang siyang gumawa niyon sa pamilya de Lara. Sa bahay ng mga Alvero

pansamantalang nanuluyan ang mga ito. Kinabukasan ay kasama ng mag-asawang de Lara si Roman

at papunta na sana ang tatlo sa presinto para maghain ng reklamo laban kay Benedict pero sumabog

ang sasakyan ng mga ito. Namatay ang mga ito ilang araw bago ideklara ang pagkapanalo ni Benedict

sa eleksiyon. Hindi na mahirap hulaang luto ang eleksiyon na naganap. Tikom ang bibig ng mga

kababayan nila. At ang nangyaring pagkamatay ng kanyang ama at ng mag-asawang de Lara, alam

nila na iisang tao lang ang may pakana niyon, si Benedict. Dahil ito lang ang may motibong gawin iyon

bukod sa ang lalaki lang din ang nakaalitan ng kanyang ama. Pero wala silang makalap na sapat na

ebidensiya laban dito.

Isang buwan matapos ilibing ni Roman ay nagpunta si Carla sa ADM na kasama si Clarice. Eksaktong

trese anyos siya noong araw na iyon. Pero hindi sila pinapasok ng mga gwardiya sa loob ng

kompanya. Hanggang lobby lang sila. Pinalabas ni Benedict na ibinenta rito nina Roman at Vicente

ang shares ng mga ito kaya si Benedict na ang naging lehitimong nagmamay-ari doon. Isang bagay na

alam ni Clarice sa murang edad na imposibleng mangyari. She knew how much Roman and Vicente

love the company. They were the founders of it. Kung sakaling ibenta man ng magkaibigan ang shares

ng mga ito ay si Benedict ang huling taong pagbebentahan ng mga iyon.

Pero may mga pirmadong dokumento na ipinakita kay Carla si Benedict, mga pirmang mula kina

Roman at Vicente na nagsasaad ng pagbebenta ng shares ng magkaibigan.

“But I can give you back your family’s shares, Carla. Madali lang naman akong kausap. Just live with

me. Matagal na kaming divorced ni Alexandra,” nakita at narinig ni Clarice na sinabi ni Benedict nang

bumaba ito sa lobby at harapin sila ng kanyang ina. “Tutal ay para naman sa `yo ang lahat ng

ginagawa ko. You will have everything again, Carla, sa oras na sumama ka sa akin. Mahal pa rin kita.

Mula noon hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa ‘yo. At wala nang

sagabal ngayon. Patay na si Roman.” Natawa si Benedict. “Ni hindi ko nga alam kung ano’ng

nagustuhan mo sa kanya samantalang isa siyang malaking talunan. He lost. He died.”

Kitang-kita ni Clarice ang pagluha ng kanyang ina kasabay ng malakas na pagsampal nito sa pisngi ni

Benedict. “That’s because you killed him, you bastard! Ganid ka, Benedict! Napakasama mong tao!”

“Kung ako lang ang pinili mo noon, hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat ngayon!”

Sa murang edad ni Clarice ay alam niyang ang mga salitang iyon ni Benedict ang kumpirmasyon ng

hinala nilang ito ang nasa likod ng pagsabog ng sasakyang kinalululanan ng kanyang ama at ng mag-

asawang de Lara. Kasabay ng pagsabog ng galit sa dibdib niya ay ang pagkasira ng kanyang buhay.

Dahil nang pumanaw ang kanyang ama ay unti-unti ring nawala ang kanyang ina sa kanya. Ilang araw

matapos nitong makausap si Benedict ay iginupo ito ng matinding depresyon. Unti-unti itong nawala sa

katinuan. Ang natitirang pera ng pamilya niya sa bangko ay napunta sa pagpapagamot ng ina.

Nagwawala na si Carla kaya napilitan si Clarice na pumayag sa alok ng Ninong Harry niya, ang

bunsong kapatid ng ama nina Maggy at Yalena. Dinala nila ang ina sa isang tago at private na

institusyon sa Candaba, Pampanga na para sa mga pasyente na tulad nito. Alam niyang doon ay mas

mapagtutuunan ito ng pansin. Back then, she had no one than Harry and the twins. Solong anak lang

ang kanyang ama at matagal na ring patay ang lolo at lola niya. Ang mga kamag-anak naman ng ina

ay pare-parehong malalayo na, na siyang mga pinsan nito, dahil ulila na rin ito.

Ang mga de Lara ay wala nang naiwang pera sa bangko dahil nagastos na ng Tito Vicente niya sa

pangangampanya. Nang nasunog ang bahay ng mga ito ay ang lupa na lang na kinatitirikan ng bahay

ang pwedeng ibenta at ang ilang mga kagamitan na naisalba ng mga magulang ng mga ito. Kung

tutuusin ay kaya pa rin nilang mabuhay nang masagana dahil nasa ADM ang lahat ng investments ng

kanilang mga ama. Naroroon ang mga pera ng mga magulang pero hindi nila iyon pare-pareho

maipaglaban dala ng kasinungalingang hinabi ni Benedict. Ipinagkatiwala nilang magkakaibigan kay

Harry ang lahat, ang pagbebenta ng mansiyon at ang lupang kinatitirikan ng nasunog na bahay ng mga

de Lara.

Sinamantala ng mga bumili ang nangyari sa kanila kaya sa mas mababang presyo lang nila naibenta

ang mga iyon. Sa isang iglap ay naglaho ang mga kaibigan ng kanilang mga ama. Ang napagbentahan

ay ginamit nila sa pag-aayos ng mga papeles nila papunta sa Nevada para doon magsimula ng

panibagong buhay. Noong mga panahong iyon ay natatakot din sila sa posible pang gawin ni Benedict

sa kanila. That was why together with Harry, they flew to another country, desperate to go away. Pero

bago sila umalis ng bansa ay hindi nakaligtas sa kanilang magkakaibigan ang pagpapalit ni Benedict

ng pangalan sa kompanya. Naging McClennan Power, Oil, and Mining Corporation na iyon.

Sa nakalipas na mga taon ay ginawa nilang magkakaibigan ang lahat para magtagumpay, para may

mapatunayan sa kani-kanilang mga sarili. Ginawa nilang instrumento ang galit sa puso nila para

maabot kung ano ang kinalalagyan nila ngayon. Pare-pareho silang nakapagtapos ng may mga

karangalan sa Nevada. Sila ni Maggy ay nag-aral ng may kinalaman sa pagnenegosyo. Business

Administration ang sa kanya at Business Management naman ito. They both graduated Magna Cum

Laude. Bar topnotcher naman si Yalena sa abogasya.

Pero ilang linggo matapos gumraduate ni Clarice ay may nag-alok sa kanya para maging modelo,

isang talent scout na nakita siya sa isang mall. Pumayag siya kaagad dahil mas mabilis ang kita roon.

Clarice strived to be known. Mas sikat siya ay mas tataas ang talent fee niya. Kung saan-saang bansa

siya napadpad para sa shooting. Ang kinikita niya ay napupunta sa pagpapagamot ng ina sa Pilipinas

habang ang mahigit kalahati naman ay sa pag-iipon. Two years ago, she and the twins started their

own business, the YCM hotel and resorts. Sa initials ng mga pangalan nila nagmula iyon habang ang

kapital ay mula sa pinagsama-samang ipon nila sa pagtatrabaho. Nangutang din sila sa bangko ng

pandagdag sa pagpapatayo roon na nabayaran din nila pagkaraan ng isa’t kalahating taon. Kinilala

ang negosyo nila sa Nevada. Tinangkilik iyon ng ibang lahi. Si Maggy lang ang hands-on doon pero

palagi silang kasama ni Yalena sa bawat pagdedesisyon. Nakatulong ang pagiging kilalang modelo ni

Clarice dahil siya ang nag-eendorse roon na kinagat naman ng publiko.

Nang makasiguro na silang sapat na ang resources nila, saka nila binalak ang paghihiganti laban sa

mga McClennan. A part of them wanted to fight for their stolen shares in the now McClennan

Corporation but more than that, they were fighting for the loss of their loved ones, for the happy life

they were supposed to have, and for the peace they once had.

Dahil tapos na ang kontrata ni Clarice sa modeling agency ay siya na ang nauna sa pagsasagawa ng

plano. May kailangan pang asikasuhin ang kambal sa ibang bansa. Kung nabubuhay lang ang Ninong

Harry niya na ginampanan ang pagiging mabuting ama at ina sa kanila ay siguradong hindi ito papayag

sa binabalak nilang magkakaibigan. Mag-isa itong tumulong at nagpalaki sa kanila. Hindi na ito

nagkaroon ng asawa o anak dahil itinuon na nito ang lahat ng oras at atensiyon sa kanilang tatlo. Pero

namatay ito matapos atakihin sa puso apat na taon na ang nakararaan.

Nahinto si Clarice sa pagbabalik-tanaw nang tumunog ang kanyang cell phone. Pagsilip niya sa screen

niyon ay ang pangalan ni Alano ang nakarehistro. Ibinigay nito sa kanya ang contact number nito

noong nagdaang gabi kasabay ng pagkuha sa number niya nang ihatid siya sa resort mula sa mansion

ng mga ito.

Ibinalik niya ang cell phone sa kanyang shoulder bag at hinayaan iyong patuloy na mag-ring. Pinahid

niya ang mga luhang tumulo sa kanyang mga pisngi. Naglaro sa isipan niya ang pinagsaluhan nilang

halik ni Alano sa hardin ng bahay ng mga ito noong nagdaang gabi. Kumuyom ang mga kamay niya.

Her mission is just starting... She must not ruin everything because of that damned kiss no matter how

incredible that felt about it.

Their plan was set. Bibihagin nila ang mga McClennan. Sa oras na mahulog ang tatlo sa bitag nila ay

sisiguruhin nilang magkakaibigan na maibabalik sa kanila ang ninakaw na karapatan nila sa kompanya

ng mga ito na pinaghirapang itatag ng kanilang mga ama. Pero higit pa doon, sisiguruhin din nilang

magagawa na nilang makuha ang hustisya na napakatagal nang ipinagkakait sa kanila.

Kaya hindi siya dapat kailanman magpatangay sa halik ng isang anak ng kaaway.

NAIINIP na tinatapik-tapik ni Alano ang conference table habang sinisikap intindihin ang inire-report ng

Kuya Ansel niya tungkol sa operasyon ng power plant nila sa Iloilo. Nagkaroon sila ng technical

problem doon na dahilan ng pagsa-shutdown ng ilang power plants nila.

Kung tutuusin, hindi na iyon kailangan pang ipaalam ni Ansel sa board dahil tiwala naman silang

maaayos din nito iyon. Pero walang nagawa si Alano nang magpatawag ang kapatid ng meeting.

Panganay pa rin ito na kailangan nilang sundin. Marahas siyang huminga. Ang orihinal niyang plano ay

maagang umalis ng opisina tutal naman ay tapos na ang mga gawain niya. He had been aching to see

Clarice again. Lalo na at ni isa sa mga tawag at text messages niya kanina ay wala man lang sinagot

ang dalaga. Kahit pa alam na ni Alano kung saan ito kasalukuyang tumutuloy dahil siya ang personal

na naghatid dito noong nagdaang gabi ay nag-aalala pa rin siya na baka mawala na lang ang dalaga

roon at magpunta sa kung saan. Worse, she might meet another man along the way.

There was something about Clarice that made him want her more. Posibleng dahil iyon sa hiwaga sa

mga mata nito, sa naiibang tamis ng mga labi, sa masarap na pakiramdam tuwing nahahawakan niya o

sa mabining pabango nito. Napalakas ang pagtapik ni Alano sa conference table. Ah, there are

countless of reasons. And he will surely miss her more should he opted to enumerate more.

Hindi pinansin ni Alano ang naninitang sulyap na ipinukol sa kanya ni Renato Alejandro, ang ama ni

Russel. Tulad ng dati ay apat lang sila sa board room nang mga sandaling iyon kasama ang bunsong

kapatid na si Austin. Nagbababala na rin ang tinging ibinigay sa kanya ni Ansel na sandaling nahinto

sa pagsasalita. Napailing na lang siya.

Mayamaya ay biglang napatuwid sa pagkakaupo si Alano nang tumunog ang kanyang cell phone.

Alam niyang si Clarice ang nasa kabilang linya dahil sinadya niyang ibahin ang ringtone para dito para

madali niyang malaman kung ang dalaga ang tumatawag.

“For goodness’ sake, turn off your damn phone, Alano,” ani Ansel na kulang na lang ay kainin siya

nang buo sa paraan ng pagkakatingin nito.

“I can’t. This call is important.” Napailing pa si Alano bago dinukot mula sa bulsa ng kanyang slacks

ang cell phone.

“Sino ba ‘yan?” sabad na rin ni Austin.

Alano smiled sheepishly. “My girl. Excuse me.” Nagawa niya pang sabihin bago pinindot ang Answer

button ng cell phone. “Bakit ngayon ka lang tumawag? And why didn’t you reply to my messages?

Alam mo bang kanina ko pa hinihintay—”

“Oops, forgive my innocence. I didn’t know that I was required to call you back. Ano ba ang problema

at tawag ka nang tawag? Kadarating ko lang mula sa bahay ng kaibigan ko. Naka-silent ang phone ko.

Sorry.”

“Ano `yong kaibigan mo? Babae o lalaki?” Napangisi si Alano nang makita ang paniningkit ng mga

mata ni Ansel.

“Babae. Look, may iba ka pa bang sasabihin? I’m about to take a shower. I’m done taking my clothes

off—”

“Everything?” Nanuyo ang lalamunan ni Alano. Pasimple niyang niluwagan ang kurbata nang

makaramdam ng kung anong alinsangan sa kabila ng malakas na buga ng aircon.

“Yes, everything.” Naging mapanukso ang boses ni Clarice. “I’m dying to feel the cold water against my

skin.”

Napalunok si Alano. His thoughts started to run wild. And only Clarice can make him do that. “Such

very, very lucky water.”

Natawa lang ang dalaga sa kabilang linya. Frustrated na napabuga si Alano ng hangin ng busy tone na

ang sumunod na narinig. Nagmamadaling tumayo siya. Isa-isa niyang sinalubong ang nagbabagang

mga mata ng mga kaharap.

“Look, I’m sorry Kuya Ansel, Austin, and Mr. Alejandro. But come on, people. Hindi naman na natin

kailangang mag-meeting tungkol sa bagay na ito kung tutuusin. On going na ang repair para sa power

plants. Besides, I do trust your decision and your skills, Kuya Ansel.” Iwinasiwas ni Alano ang mga

kamay kina Austin at Renato. “Don’t we all?”

Napailing na lang si Ansel. “Saan ka ba pupunta?”

“Kay Clarice.” Pilyong ngumiti si Alano. “Baka sakaling maabutan ko pa siya sa pagsa-shower.” Hinigit

niya na ang nakasampay na coat sa kanyang swivel chair. “Good-bye and thank you, gentlemen.”

Para bang may pakpak ang mga paang nanakbo na si Alano palabas ng opisina. Pinaspasan niya ang

pagmamaneho. Sunod-sunod na katok ang pinakawalan niya nang sa wakas ay makarating sa tapat

ng tinutuluyang kwarto ni Clarice. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nito pinagbuksan ng pinto.

Kaagad na gumuhit ang ngiti ni Clarice nang makita si Alano. “Hey, I’m surprised to see you here.”

“I’m surprised to be here this fast, too,” namamaos na sagot niya. Hinihingal na napatitig siya sa

malaanghel na mukha ni Clarice. Tumutulo pa ang basang buhok nito sa suot na bathrobe nang

humarap sa kanya. Suddenly, he was mesmerized. It had been his habit since the first time he laid his

eyes on her.

Ilang segundong pinagsawa na muna ni Alano ang mga mata sa kagandahang nasa harap bago siya

humakbang palapit sa dalaga at hinalikan ito sa mga labi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.