Chapter 11
Chapter 11
“PERO MA’AM, wala po talagang nagtatrabaho rito na nagngangalang Aleron Silva. ‘Wag nyo na pong
ipilit kundi ay wala akong magagawa kundi ang ipa-assist kayo sa mga kasamahan kong security
guards.”
Napaawang ang bibig ni Holly sa pagkabigla. Sa mall kung saan nag-proposed sa kanya si Aleron sila
tumuloy ni Cedrick dahil doon ang binanggit noon ni Aleron na lugar kung saan ito nagtatrabaho. Nang
matapos umano ang construction niyon ay doon na ito nanatili sa opisina roon para pamahalaan iyon.
Nakakatawang isipin na ni hindi siya nakarating sa sinasabi ng binata na opisina nito. Parang gusto ng
sumabog ng ulo ni Holly sa dami ng mga bagay na hindi niya pa pala alam tungkol kay Aleron. Dahil
tanging pagmamahal at tiwala niya lang rito ang pinanghawakan niya noon. Hanggang first floor lang
sila nakapasok ni Cedrick. Nang magsimula na silang magtanong sa mga gwardya na nag-iikot roon
kung saan ang direksyon ng opisina ng namamahala roon ay humigpit na ang mga ito at agad silang
sinabihang huwag mag-eskandalo.
Alam ni Holly na takaw-atensyon na ang suot niyang wedding gown pero wala siyang pakialam. She
wanted so badly to find all the answers in her questions to at least, be able to save her sanity. “Pero
imposible iyon. Dito siya nagtatrabaho. Saka hindi nyo na ba ako natatandaan? Dito siya sa mall na ito
nag-proposed sa akin more than two months ago. Sa second floor pa nga ‘yon, malapit sa fountain
roon.”
“May problema ba rito?”
Agad na lumipad ang mga mata ni Holly sa bagong dating na babae. Nakasuot ito ng kulay kremang
pantalon at amerikana pero iyong pang-babae ang estilo at tabas.
“I am the general manager in this shopping mall, ma’am. What can I do for you?”
“I’m looking for a man named Aleron Silva. Ang sabi niya ay dito siya nagtatrabaho at siya ang
namamahala sa lugar na ito.” Desperadang inabot ni Holly ang mga kamay ng bagong dating.
“Tulungan mo ako, nakikiusap ako sa ’yo. Kailangan ko lang talaga siyang makausap.”
Nagsalubong ang mga kilay ng babae. “Pero tama ang sinasabi ng mga gwardya, ma’am. Wala po
talagang nagtatrabaho rito na Aleron Silva. Ang pagkakaalam ko ay mayroong Aleron pero Aleron
Williams po iyon. Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng WSM o Williams Shopping Malls.”
Williams. Narinig niya na naman ang apelyidong iyon. Athan Williams. Aleron Williams. Lalo lang
naguluhan si Holly. “By chance, meron ka bang kilala na Athan Williams?” Narinig niya ang pagsinghap
ng katabi niyang si Cedrick pero hindi niya ito pinansin.
“I’m sorry, ma’am. Pero wala po akong alam sa bagay na ‘yon.”
Hindi na nakapagsalita pa si Holly. Kusa na siyang lumabas ng mall. Nakasunod pa rin sa kanya si
Cedrick.
“What do you know about Athan Williams, Holly?”
Parang mababaliw na nasabunutan niya ang sarili. “Hindi ko siya kilala. Ang alam ko lang ay may
koneksyon siya sa lahat ng ito. Tumawag sa akin si Aleron kanina. He asked about Athan Williams.
Hindi niya na rin ako pinapapunta pa ng simbahan. Ang sabi niya lang, amanos na daw kami.”
“What?”
Napatingin si Holly kay Cedrick nang mabakas ang pagkabigla sa boses nito. Kapuna-puna rin ang
tensyon sa anyo nito. “Kilala mo ba ‘yong Athan na ‘yon?”
“This Aleron that you are talking about, may nabanggit ba siya sa ’yo kung may kapatid siya?” Sa halip
ay ganting-tanong ni Cedrick.
“He told me he had a brother. Pero namatay na daw ang kapatid niya.” Napapagod nang wika ni Holly.
Noon niya lang na-realized na ni hindi niya pa pala alam ang pangalan ng kapatid na iyon ni Aleron.
“Some girl broke his brother’s heart. He committed suicide.”
Tuluyan ng nawalan ng kulay ang mukha ni Cedrick. Nagdududang nilapitan niya ang binata. “So,
kilala mo nga siya? Anong alam mo?”
“K-kung tama ako, si Aleron na lalaking pakakasalan mo at ang Aleron na may-ari ng mall na ito ay
iisa. Kapatid niya si Athan. And Athan was…” Nagtagis ang mga bagang ni Cedrick. “He was Hailey’s
ex-boy friend. And you said Athan died. Then if I’m right, this all comes down to Aleron’s revenge. He
must have thought Hailey was you. Or maybe he used you to get through Hailey.” Nalilito na ring wika
nito. “I… I really don’t know. But God… how is this happening?”
Sa ikalawang pagkakataon sa umagang iyon, pakiramdam ni Holly ay pinasabugan siya ng bomba.
Nasabunutan niya ang sarili. Ilang segundong nakatulala lang siya sa gulat pa ring anyo ni Cedrick
bago lumagpas sa binata ang mga mata niya. Noon lang tumalab sa kanya ang nakikita niyang
reaksyon ng mga tao sa paligid niya pati na sa mga mukha ng mga gwardyang sumunod pala sa kanila
ni Cedrick hanggang sa labas ng mall. Bakas ang awa sa mga mata ng mga ito habang puno naman
ng pang-uusisa ang mga mata ng ilan.
Pilit na tinakpan ni Holly ang mukha. Tinalikuran niya si Cedrick. Nagtatakbo siya palayo. Hindi niya
alam kung saan eksakto siya pupunta. Ang gusto niya lang ay tumakas pansamantala, tumakas sa
sakit, sa kahihiyan, sa sariling katauhan. Dere-deretso siya sa kalsada. Naririnig niya ang pagtawag ni
Cedrick pero hindi na siya huminto.
“Holly, watch out!”
Nagsimula nang manlabo ang mga mata ni Holly dahil sa pagluha. Damn tears. Ayaw niya nang
makaramdam pa. At para bang pinagbigyan naman siya ng langit. Alam niyang may tumamang
solidong bagay sa kanyang binti na siyang dahilan kung bakit paupo siyang bumagsak sa
sementadong daanan. Pero sandali lang ang naging pagkalat ng sakit. Unti-unti nang namanhid ang
buong katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang walang maramdaman.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na iyon ay gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Sana ganito
na lang parati. Naisaloob niya bago niya ipinikit ang mga mata.
MULING tumulo ang masaganang mga luha ni Hailey nang makapasok sa hospital room ng kakambal.
Ngayon na lang niya ito nakita makalipas ang ilang buwan at hindi niya lubos akalaing sa ganoong
sitwasyon niya pa ito maaabutan.
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay nakadama si Hailey ng matinding panliliit. Kung tutuusin ay
wala siyang karapatang pumasok sa kwarto na iyon matapos ng mga nangyari. Pero hindi niya
mapigilan ang sarili. Kailangang marinig ni Holly ang paghingi niya ng tawad kahit na alam niyang hindi
iyon sasapat para mabawasan ang nararamdaman nito.
Bawat paghakbang ni Hailey palapit sa kama ng kapatid ay lalo siyang pinanghihinaan ng loob. Gising
si Holly. Nakasandal ito sa headboard ng kama nito pero para bang wala itong nakikita nang mga
sandaling iyon. Nananatiling blangko ang mga mata nito habang nakatitig sa kawalan.
Ayon kay Cedrick na nakausap niya sa telepono ay mag-iisang linggo ng ganoon si Holly, tulala ito at
hindi nagsasalita. Dala daw iyon ng depresyon dahil sa magkakasunod na dagok na sinapit nito. Holly,
in her own means, was shutting everyone away. Kahit na ano raw pagkausap rito ay wala itong
reaksyon at si Hailey lahat ang may kagagawan niyon.
Inabot niya ang mga palad ng kakambal at marahang hinalikan ang mga iyon. Pumatak roon ang
kanyang mga luha. “Patawarin mo ako, Holly.” Halos padaing niyang bulong.
Kahit kailan ay hindi siya naging mabuting kapatid. At araw-araw, habang nabubuhay siya ay dadalhin
niya sa puso niya ang bigat ng nangyari rito at kay Athan. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
Habang buhay niyang ipagpapasalamat ang kabutihan ni Cedrick sa kanya. Hindi pala siya nito
iniwang nag-iisa sa Los Angeles. Lingid sa kaalaman niya ay hinanapan siya nito ng isang palliative
care nurse na dumating may kalahating oras pagkatapos umalis ng binata pabalik ng Pilipinas. Ang
nurse ang siyang tinawagan nito noong nakaraang araw para ipaalam sa kanya ang mga nangyari.
Kasama ang nurse ay ipinasundo si Hailey ni Cedrick gamit ang isang private jet ng kaibigan nito. Sa
paglapag niyon ay dumeretso na sila ng nurse sa kotse ni Cedrick na siya mismong sumundo sa
kanila. Agad na nagpunta na sila sa pribadong ospital na kinaroroonan ni Holly. Ang ospital na iyon ang
siya mismong pinamamahalaan ni Cedrick, ang huli ang siya pang naghatid sa kanya patungo sa
kwarto na iyon ni Holly.
Sooner or later, she would have to face her parents. Mapalad pa nga siya at nagkataong wala ang mga
magulang sa kwarto na iyon. Ayon kay Cedrick ay una raw na na-admit ang ina noong araw ng kasal
ng kapatid niya dahil nawalan ito ng malay at tumaas ang presyon nito. Pero maayos na ang
kalagayan nito. Sa nakalipas na mga araw ay halos sa ospital na nakatira ang mga magulang sa
pagbabantay sa kakambal niya.
Nabangga si Holly ng isang motor noong nagtatakbo ito sa kalsada matapos nitong manggaling sa
loob ng shopping mall na kumpirmado niyang pagmamay-ari ni Aleron Williams. Pareho umanong may
kasalanan ang motorista at si Holly sa naganap na insidente kaya sa huli ay nakipag-areglo na lang
ang motorista at ang mga magulang niya sa isa’t isa. Kahit si Cedrick ay sinisisi rin ang sarili dahil hindi
nito nagawang maabutan si Holly.
The motorist failed to obey the posted speed limit while Holly failed to stride in the sidewalk. Sa awa ng
Diyos ay stable na ang kalagayan ng kakambal. No major injuries had turned up on the CT scans.
Nagkaroon ng ilang galos si Holly bukod pa roon ay nagkaroon ito ng fracture sa kanang binti nito na
siyang dahilan kung bakit kasalukuyan iyong naka-cast.
Nagpunta si Hailey sa ibang bansa para hindi na makaperhuwisyo pa ng iba pero mukhang lalo lang
napasama ang ginawa niya. Sa dami ng mga natuklasan niya mula kay Cedrick ay hindi niya alam
kung ano ang uunahing maramdaman.
Humigpit ang pagkakahawak ni Hailey sa mga palad ng kapatid. “Bumalik ka na sa dati, utang na
loob.”
Nakikiusap niyang sinabi. “You need to hear me. You need to know what I’m going to say before I ran
out of time. Kailangan mo pang gumanti sa akin dahil kung hindi, hindi ako matatahimik hanggang sa
kabilang buhay.”
Pero nanatiling sa ibang direksyon nakatingin si Holly. Umangat ang mga kamay ni Hailey patungo sa
mga pisngi nito. Ipinaharap niya sa kanya ang mukha nito. Pakiramdam niya ay nakaharap siya sa
isang malaking salamin nang mga sandaling iyon. Dahil ang babaeng kaharap niya, kahit walang
emosyong ipinapakita ay alam niyang kasing durog niya. Napakabuti ni Holly. Hindi nito dapat
dinaranas ang mga ganoong bagay.
“Holly, come back, please. I’m begging you. Nandito na si ate Hailey.” Pumiyok ang boses niya.
“Naaalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Parati kitang niloloko. Kapag naiiwan tayo sa bahay
noon, pinapatay ko ‘yong mga ilaw. You were so afraid of the dark and as a royal pain in the ass, I love
to scare you. And then you would cry. Tatawagin mo akong ate.” Napahagulgol si Hailey. “Before
Cedrick came between us, before I fell in love with him, before I discovered what jealousy and
insecurity meant, we were kind of close.
Each time you would call me ‘ate’, I would find you. I used to hold your hand. And then together, we’ll
walk until we find the switch. ‘Tapos kahit maliwanag na, hindi mo na bibitawan pa ang kamay ko. And I
loved that, Holly. Ayoko lang aminin. Nakakasira kasi ng maldita image ko.” Bahagya pang napangiti si
Hailey sa naalala. “Bumalik ka na sa dati. Ipakita mong natatakot ka. And I promise I will be here to
hold your hand just like the old times. We will find the light together.
Magkukwentuhan tayo hanggang umaga lalo na’t ang dami kong gustong sabihin sa ‘yo. Alam mo
bang binasa ko na ‘yong mga libro mo? I don’t find them corny and cheesy now. I liked them now,
Holly. Because I’ve experienced how to be loved now. Iyon lang pala ang kailangan bago ko ma-
appreciate ang ibang kwento tungkol sa pag-ibig. We will talk about your stories and then I will sing for
you afterwards.” Kumabog ang dibdib ni Hailey nang unti-unti nang tumutok sa kanya ang mga mata ni
Holly. Nakatanaw siya ng pag-asa.
“You used to tell Cedrick that you loved my voice, that you loved to hear me sing.” Pagpapatuloy ni
Hailey. “And I’m going to sing for you, Holly, every day if you want me to. Iyong mga hindi natin nagawa
noong mga bata pa tayo, gagawin natin ngayon.” Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay buong
higpit na niyakap niya ang kakambal. Pero mayamaya lang ay napaigtad siya nang marinig ang
pagbukas ng pinto.
Dahan-dahang bumitiw si Hailey sa kakambal para harapin ang bagong dating. Bumungad sa kanya
ang mga magulang.
Tumigas ang anyo ng ama. “Kanino namin utang na loob ang pagsulpot mong ito, Hailey?” Hinawakan
ito kanyang ina sa braso na alam niyang para patigilin ang huli.
Tiningnan niya ang ina. Gaya ng dati ay puno ng pang-unawa ang mga mata nito. Lalong napaluha si
Hailey ng puno ng pagsuyong ngumiti ito sa kanya kasabay ng paglahad nito ng isang palad nito na
para bang pinapalapit siya rito. Her mother’s smile was as sweet as she remembered.
“What happened, Hailey? Tell me, sweetheart.”
Dahan-dahang tumayo si Hailey mula sa kama. Simpleng tanong lang iyon pero ibinalik niyon lahat ng
magaganda at mapapait na mga pinagdaanan niya sa nakalipas na mga bwan. “I’m so sorry, mommy
and daddy.”
“Hindi ‘yan ang sagot sa tanong ng mommy mo, Hailey.” Madilim pa rin ang anyong wika ni Alfar.
Napalunok si Hailey. Inalis niya ang suot na sumbrero. Narinig niya ang pagsinghap ng mga magulang.
Bumitaw ang ina sa pagkakakapit sa braso ng asawa. Maang na lumapit ito sa kanya.
“Hailey?”
“Eight months ago, I started the chemotherapy, the reason why I lost my hair. Kung ano-anong
treatment ang sinubukan ko sa Los Angeles. Doon ako nagpunta pagkatapos kong malaman ang sakit
ko. I flew away, I was desperate to do that. Dahil natakot akong maging pasakit pa sa inyo. Alam ko
namang pagod na kayo sa mga sakit ng ulong ibinibigay ko.” Napayuko si Hailey. “Sinubukan ko
naman pong gumaling. But the treatments aren’t working anymore. I’m sorry, mommy.” Muling nabasag
ang boses niya. “I have metastatic brain cancer.”
“N-no.”
Natigilan si Hailey nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
“N-no. It can’t be. N-no. No.”
Agad na nilingon niya ang kinaroroonan ng kakambal. Nahuli niya itong gulat na nakatitig sa kanya.
Nananakbong binalikan niya ito at buong higpit na niyakap. “Holly, thank God! Bumalik ka na. I’m so
sorry, Holly.” Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman ang pagganti nito ng yakap sa kanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Hailey ang pagyakap rin ng mga magulang sa kanila ng kakambal.
Ilang minuto silang nanatiling ganoon. And she appreciated that so much. Ang akala niya ay hindi na
mangyayari pa iyon. Walang nagsalita sa kanila. Puro mga iyak lang nila ang bumalot sa buong Content is property of NôvelDrama.Org.
kwarto.
Ilang ulit niya na bang iniwan noon ang kanyang pamilya para lang sa pansariling dahilan? Hindi niya
na mabilang. But at the end of the day, ang pamilya niya na lang ang siyang mayroon sa kanya. At
masaya siya. Dahil sa simula at huling bahagi ng buhay niya, ang pamilya niya ang siyang nakasama
niya.
Nang yakapin siya ng kapatid at mga magulang, pakiramdam niya ay niyakap na rin siya ng Diyos. It
was the warmest embrace she had ever received. Salamat po, Panginoon ko, sa pagkakataong
ito.