Wish List Number Ten: Love Me Again

Chapter 7



Chapter 7

"IS EVERYTHING set already?" naninigurong tanong ni Calix sa kanyang mga kasambahay.

Nangingiting tumango naman ang mga ito. Kinakabahang gumanti rin siya ng ngiti. Lumabas na muna

siya ng bahay at sinilip ang mga tao roon na nagkakabit ng banner. Halos patapos na ang mga iyon.

Napatitig si Calix sa resulta ng pinagpaguran. Sa pagkakataong iyon ay sumilay ang kontentong ngiti

sa kanyang mga labi. Umaasa siya na sana ay bigyang-halaga iyon ni Chryzelle sa pagdating nito.

Napahugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay pumasok na muli sa bahay at akmang

dederetso na sa kusina para tikman at siguruhin ang lasa ng inilutong mga putahe na ikinonsulta niya

rin sa mayordoma. Pero natigilan siya nang makita na nagkukumpulan at nagbubulungan ang mga

kasambahay. At sila ni Chryzelle ang sentro ng usapan ng mga ito.

Unti-unting naglaho ang ngiti ni Calix.

"Mabuti naman at sa wakas ay naisipan na ni sir Calix na bumawi kay ma'am Chryzelle, Manang

Soledad. Grabe din ang mga pinagdaanan ni Ma'am. Awang-awa na nga ho ako sa kanya noon. Ang

bait pa naman niyang amo."

"Sinabi mo pa, Matilde. Halos mabiyak ang puso ko nang makita ko ang takot sa mukha ni Ma'am nang

araw na malaglag ang sanggol na dinadala niya. Hindi ko nga alam kung paano niya nakayanan iyon."

Kumabog ang dibdib ni Calix. Sa wakas ay ipinaramdam na niya sa mga kasambahay ang kanyang

presensiya. Para namang nakakita ng multo ang mga ito nang mapansin siya.

"A-ano'ng ibig niyong sabihin? Anong... sanggol?" Natahimik ang mga kasambahay. Maski ang

mayordoma ay hindi umimik, sa halip ay nagpatuloy lang sa ginagawang pagpupunas ng mga plato.

Natetensiyong kinalampag niya ang mesa. "Ano? Magsalita kayo!" Pero nanatili pa ring tahimik ang

mga ito. "Damn it!"

Naniniwala si Calix na ipinanganak siya na kahit paano ay may taglay na pasensiya. Pero nang mga

sandaling iyon, parang lumipad ang lahat ng kanyang kontrol at pasensya. He was... scared, above all.

"Kapag hindi pa rin kayo sumagot, sesesantihin ko kayong laha-"

"Mahigit isang buwan na hong nangyari iyon, Sir," pagputol ni Matilde sa mga sasabihin pa sana ni

Calix. "Ayaw hong ipaalam sa inyo ni Ma'am Chryzelle. Tatlong buwan ho ang nasa sinapupunan niya

nang madupilas siya sa hagdan sa pagmamadali para lang mahabol kayo noong araw na umalis kayo

papuntang opisina."

Malakas na tumikhim ang mayordoma. Sa pagkakataong iyon ay napalitan na ng pangangastigo ang

mga mata ng matanda habang nakatitig kay Calix. Bata pa lang siya ay nakamulatan niya na ito sa

bahay ng kanyang pamilya. Kinuha niya si Manang Soledad nang mag-asawa siya kaya hindi na ito

nakakaramdam ng takot sa kanya. "Mabuti na lang at dumating si Celeste, siya ang kasama namin sa

pagdala kay Chryzelle sa ospital. Nakita ko at narinig ko kung paano sandaling nawala sa sarili ang

asawa mo, Calix. Hindi ka pa ma-contact ni Celeste noon dahil nasa conference room ka raw. Alam ko

dahil naroon ako.

"Pagdating ng gabi, nang tawagan ka uli ni Celeste ay ang sekretarya mo pa rin ang sumagot. Nasa

dinner meeting ka raw, kasama ang isang kliyente. Sobrang nasaktan si Chryzelle kaya inilihim niya

ang lahat. Nagpanggap siya na walang nangyari nang umuwi ka noon na gabing-gabi na. Halos

magkasunod lang kayo sa pagdating. Magkakasama kaming umuwi mula sa ospital."

Natulala si Calix. Hindi niya na alam kung paano siya nakaakyat sa kanyang kwarto. Gulat pa rin na

naupo siya sa ibaba ng kama. Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. Naalala niya na.

Iyon ang oras na nagtalo sila ng ama tungkol sa branch sa Germany kung saan gusto siya nitong

ipadala para ayusin ang problema roon pero tumanggi siya. Dahil kadarating niya lang noon mula sa

Taiwan at ayaw niyang muli pang umalis ng bansa nang hindi kasama ang asawa. Gusto niya na kung

aalis man sila ni Chryzelle ay para magbakasyon at hindi para sa kanyang trabaho.

Natatandaan din ni Calix na ilang ulit na pumasok sa conference room noon ang secretary na si

Rowena at may ipinabasa sa kanyang note. Pero hindi niya na iyon gaanong napagtuunan ng pansin

dahil abala siya sa pakikipagmatigasan sa ama at sa paggiit sa board members na iba na lang ang

ipadala sa Germany. Pagkatapos niyon ay dumeretso pa siya sa meeting sa isang restaurant para sa

isang potential investor kaya gabing-gabi na siya nakauwi. Sa mga nakalipas na taon, maski ang mga

gawain dapat ng ama ay ipinaako nito sa kanya kaya nasa buong balikat niya ang mga trabaho.

He had completely forgotten about the note then. Ang alam lang ni Calix ay may kinalaman iyon sa

kanyang asawa. Pero pagdating niya sa bahay at makitang maayos naman ito ay hindi na siya

nagtanong pa. Inuna niyang ipahinga ang pagod na katawan kaysa ang pag-uusisa.

Pinanginigan siya ng katawan sa tindi ng emosyong nararamdaman. He almost had a child. It wasn't

too hard to guess that it was the reason why Chryzelle finally decided to leave him. And he couldn't

really blame her. He was a bastard. His tears fell.

"Ayaw hong ipaalam sa inyo ni ma'am Chryzelle. Tatlong buwan ho ang nasa sinapupunan niya nang

madupilas siya sa hagdan sa pagmamadali para lang mahabol kayo noong araw na umalis kayo

papuntang opisina."

Walang buhay siyang natawa nang maalala kung bakit ilang ulit niyang nasaksihan si Chryzelle na

animo parating nag-aalangan sa pagbaba o pag-akyat sa hagdan. Para bang parati itong natitigilan.

May pagkakataon pang nahuli niya ang asawa na nagmamadali at halos tumakbo na sa pag-akyat,

pagkatapos ay makikita niya itong pawisan.

Natutop ni Calix ang noo. God... what had he done?

Napakabuti ni Chryzelle pero mula noon hanggang ngayon ay puro pasakit ang ibinibigay niya rito. At

ang kanilang anak... ang munting anghel nila... Parang binabayo ang dibdib na tumayo siya at buong

lakas na pinagsusuntok ang pader sa kwarto. Kahit nakita na ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang

kamay ay hindi siya huminto. Nang hindi pa makontento ay nagsisigaw siya para makalaya kahit

sandali sa sakit na sumusugat sa kanyang pagkatao.

His world turned upside down that very moment. Chryzelle wanted to push through with the annulment.

And just when he thought he had enough, he was wrong. Dahil ngayon ay damang-dama niya ang

tuluyang pagguho ng mundo niya. His heart was breaking. His entire world was shattering. And he

didn't know anymore how to pick up the pieces.

"G-God, Chryzelle..." Parang masisiraan ng bait na nabasag ang boses niya. "I killed our baby. What

on earth have I done?"

"I LOVE him, father. Pero natatakot na po akong sumubok uli kahit narinig ko na ang paliwanag niya.

Naging duwag na ako dahil sa mga sakit na naranasan ko sa nakalipas na limang taon," pag-amin ni

Chryzelle kay Father Sebastian na tumabi sa kanya ng upo sa simbahan.

Sa simbahan sila unang nagkakilala ni Calix at doon din niya ito sinagot. Sa simbahan ding iyon nag-

propose ang lalaki sa kanya at doon din sila ikinasal. The church held so many memories of her and

Calix and yet, she found herself there.

Mula sa bakeshop niya ay nagmaneho pa si Chryzelle papunta sa simbahang iyon sa Cavite ilang

minuto pagkaalis ni Calix sa kanyang opisina. Miyerkules ng araw na iyon at isang oras pa bago ang

nakatakdang misa, pero bukas na iyon para sa mga tulad niya na gustong mapagsolo pansamantala.

Nagkataong naroroon na rin si Father Sebastian, ang pari na nakilala niya dahil ito ang nagkasal sa

kanila ni Calix.

Inilahad niya kay Father Sebastian ang mga nangyari sa kanila ni Calix, ang tungkol sa kanilang anak,

ang pagkakaroon ng leukemia ng kanyang asawa, at ang mga ipinagtapat nito sa kanya. Ang pari ang

napaghingahan niya ng mga bagay na hirap siyang ipaliwanag sa iba.

"Mali ka, anak. You're strong. You're stronger than you think you are. Hindi ka babalik sa bahay n'yo

kung talagang duwag ka. Marahil ay tutulungan mo si Calix pero hindi katulad ng ginagawa mong

pagtulong sa kanya ngayon." Ngumiti ang pari. "Ano ba ang naramdaman mo pagkatapos ng mga

inamin niya kanina?"

Nangilid ang mga luha ni Chryzelle. "I felt like I saw him and heard him... only today. Matagal ko nang

alam na hindi sila magkasundo ng papa niya, pero hindi ko alam na ganoon pala kalalim ang sugat na

dala-dala niya sa puso para sa ama niya. I... I felt his pain." Totoo sa pusong sagot niya. "And I... I

bleed with his confession."

"Dahil mahal mo pa rin ang asawa mo. Try one more time, child. Strive for a happy ending. Maraming

taong nagkahiwalay dahil puro simula lang sila, puro magagandang bagay lang ang hinahanap nila.

But pain is part of a marriage. At mas lalo pang titibay ang relasyon n'yo sa oras na malagpasan n'yo

iyon." Inabot ng pari ang mga kamay ni Chryzelle. "You've come so far. 'Wag ka na munang sumuko

hangga't may natitira pang pag-asa at pagmamahal sa puso mo."

Hindi nakapagsalita si Chryzelle hanggang sa magpaalam na ang pari. Unti-unti nang dumami ang

mga tao hanggang sa magsimula na ang misa. Sa buong panahon ng misa ay nanatili lang siyang

nakatingin sa imahen ng Diyos sa kanyang harap.

God, please... Show me the way. Give me a sign on what to do, mataimtim na naiusal ni Chryzelle.

Pagkatapos ng ikalawa at huling misa sa gabing iyon na parehong tinapos niya ay unti-unti na ring

nawala ang mga tao. Alanganing tumayo na rin siya. Bago siya umalis sa kanyang kinauupuan ay muli

siyang napatitig sa dakilang imahen sa kanyang harap, pagkatapos ay ay nanghihina pa ring iginala

niya ang tingin sa kabuuan ng simbahan; hanggang sa magtama ang mga mata nila ng lalaking nasa

kabilang hanay ng mga upuan. Nakatayo rin ito at nakatitig sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Chryzelle, kasabay ng pangingilid ng kanyang mga luha. The man who

was now walking towards her was more than the sign that she needed. Sinalubong niya si Calix.

Nagtagpo silang dalawa sa gitna ng simbahan. Nabigla siya sa kakaibang lungkot na nasasalamin sa

mga mata ng asawa. Ilang sandaling pinagmasdan siya nito hanggang mapasinghap na lang nang

lumuhod ito sa kanyang harap.

"I'm so sorry, Chryzelle..." Halos pabulong na sinabi ni Calix. "Manang Soledad told me about it. I'm

sorry about our baby."

Nabigla si Chryzelle. Inabot ni Calix ang mga kamay niya, pagkatapos ay napayuko ito. Napaawang

ang bibig niya sa nakitang paggalaw ng mga balikat ng asawa, senyales na umiiyak ito. The high and

mighty Calix Ledesma was actually crying in front of her.

"I'm sorry I killed our baby. Kasalanan ko. I'm sorry I wasn't there. I'm sorry I sucked as a husband and

a father." His voice broke. Inilapat ni Calix ang noo nito sa kanyang mga kamay. "I'm sorry I wasn't

there when you cried, when you wept. Ang dami kong dapat ihingi ng tawad na kahit kailan,

imposibleng maging sapat. Hindi ko natupad ang mga ipinangako ko sa 'yo noong ikasal tayo. I am

so... so sorry."

Ilang sandaling hinayaan ni Chryzelle si Calix na tumangis, na ilabas ang lahat ng mga nararamdaman

nito. Calix was sobbing, but she had never seen him this strong... this out of control until that night. Mas

hinangaan niya ang ginawa nitong pagpapakita ng emosyon nang mga sandaling iyon. Ilang minutong

katahimikan ang namayani sa kanila bago siya dahan-dahang lumuhod.

"Calix..." namamasa na rin ang mga matang wika ni Chryzelle. Iniangat niya ang mukha ng asawa. She

breathed sharply when she saw how broken he was. Marahang ngumiti siya rito. "Listen to me. I...

forgive you. It already happened. Wala na tayong magagawa pa roon."

Pinakatitigan siya ni Calix. Regret was visible in his eyes. Ilang mararahas na hininga ang pinakawalan

nito bago siya buong pagmamahal na dinampian ng halik sa mga labi. Sandali lang iyon. Ang mga

kamay nito na ngayon lang niya napansing may puting benda ay inihaplos nito mula sa kanyang noo

pababa sa kanyang mga pisngi.

"I don't deserve a woman as wonderful as you. Kaya nakapagdesisyon na ako. I already brought the

annulment papers with me. Napirmahan ko na rin ang mga iyon, Chryzelle. I'm giving you back your

freedom. Live and start a new life without me. Alam kong hindi matutumbasan ng kalayaan mo ang

mga pagkakamali at pagkukulang ko. But I'm hoping it's a good start," mahina pa ring wika ni Calix

bago siya nito hinalikan sa kanyang noo. Mahigpit siya nitong niyakap, pagkatapos ay bumulong. "I'm

sorry. Alam kong sawang-sawa ka nang marinig iyon. But that's all I could ever say. Because after

everything I did, I don't think I still deserve to say I love you."

Inalalayan siya ni Calix na makatayo bago ito nagpaalam na. "Ako na mismo ang mag-aasikaso ng

annulment natin para mapabilis ang paglaya mo sa akin." Ngumiti ito, pero walang buhay iyon sa

paningin niya, pagkatapos ay tinalikuran na siya. Damang-dama niya ang bigat sa bawat paghakbang

ng asawa palayo sa kanya.

Muling pumatak ang mga luha ni Chryzelle. "Calix!" sigaw niya nang makarating na ang asawa malapit

sa bukana ng simbahan. Hindi siya nito nilingon, pero huminto ito sa paglalakad. "Handa na akong

sumubok uli. Let me fulfill your wish list number ten."

Nilingon siya ni Calix. Agony was all over his face. Bumuka ang bibig nito para magsalita pero para

bang nagdalawang-isip ito.

Nagkibit-balikat si Chryzelle at patuloy na nagsalita sa may kalakasang boses para marinig nito. "This

is crazy. You, me, us. Noong una, nang malaman ko ang sakit mo, akala ko na-distract lang ako. Akala

ko ay hindi pa rin kita napapatawad. Pero nagkamali ako. It was hard to forgive... especially when

you've been hurt so much and so many times. Pero kahit paano, nagiging madali ang mahirap kapag

mahal mo talaga ang isang tao. I love you. That's why I offered you beyond my help the past days.

Let's start all over again... shall we?"

Nagmamadaling tinawid ni Calix ang distansyang nakapagitan sa kanila. Buong higpit na niyakap siya

nito na siyang ginantihan din niya.

Ipinikit niya ang mga mata at natatawang tinapik-tapik ang likod ng asawa nang muli niyang

maramdaman ang paggalaw ng mga balikat nito. "Hush now," she said, her voice cracked. "This time,

let's try to make everything right... okay?"

"I love you so much, Chryzelle," sa halip ay sagot ni Calix.

And that was more than enough for her. "I love you, too and I... I've missed you, Cal."NôvelDrama.Org holds © this.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.